Healthy ba ang Smart C+?

ceciyou

New member
Sinisipon kasi ako and OTC meds aren't that effective for me, so I thought of adding this drink to my diet for it's Vit C and ask ko lang if okay naman siya? May nabasa kasi akong comment dati na may 6tbsp daw na equivalent ang sugar sa isang 500mL na Smart C+, but is this true? Alam ko naman kasi na medyo mapanlinlang minsan ang Nutrition Facts.

I'm not really a gym person but I do jog every now and then, yet I still have a weak body. Is there any supplement, food, or beverage na magandang idagdag sa diet ko? TIA!
 
@ceciyou Sa supplements suggest multivitamins nalang, maybe conzace kasi I’m after vitamin c rin and 500 mg siya doon. Other than multivitamins, wala nako iba maisip na supplements na hindi harmful sa kidneys or liver in the long run.

For diet/food: i highly suggest fruits nalang. Dun kasi makukuha natural na vitamins and minerals. Invest ka sa masasarap na fruits and stock non. Sa IG minsan merong mga nagbebenta doon ng mga grapes and oranges na matamis and lasang candy pero by season kasi. Pwede rin from supermarkets para di na need ideliver.

For beverage: mas healthy pa rin yung from fresh fruits. Kaya if ayaw mo kainin, try mo nalang gawing juice sila or iblend. Invest ka nalang sa blender and juicer? Blender lang meron ako tapos i use it pag malapit na mabulok fruits lol iniinom ko nalang.

If di mo trip natural fruits, try mo mga concentrated. For example if calamansi, alam ko merong concentrated calamansi eh. Meron din mga imported brands ng mga fruit juices na i think less sugar naman. Pero expect na meron pa ring sugar. Even fruits meron pero onti lang sa fresh fruits—you need glucose anyway.

Dagdag ako: mask up. ilang beses din ako nagkaron ng covid and flu kasi di nako nagmamask tapos kalat sa office ang mga virus and bacteria ata. So, mask ka talagaaaa. Lalo na if nagcocommute ka rin. Mainit, pero pwede naman na surgical mask para sakto lang.

Another thing: always use alcohol lalo pag dami mo hahawakan na things. Sa CR na walang sabon, alcohol nalang ginagamit ko kesa water lang for washing my hands.

Hmmm, pa-vaccinate ka rin next year for influenza! Every year ka magpa flu vax :) kahit magkasipon ka, less chance na magprogress sa pneumonia.

Tapos ayon, ask your doctor din for pneumococcal vaccine! Eto hindi yearly tapos sa pneumonia na bacteria yung pathogen siya for.

Take a shower pag uwi galing labas, if ayaw mo maligo, kahit katawan lang then cover your hair. Then ligo ka paggising mo ulet.
 
Back
Top