2 months of weight training

almighty100

New member
Sinunod ko lang kung anong nasa mga yt videos at tiktok ni smart fit. Dati na kong naggi-gym. Bakal gym lang ako palagi walang coach youtube and tiktok lang. Noon puro cardio lang ako. Natigil ako ng 1 year sa gym. Tumaba ako, pero napansin ko simula noong nagbubuhat na ko noong november walang nagbabago ganun pa rin. Around december may gains na ko. Napansin ko na parang gumagaan yung katawan ko. Napansin ko rin na ang love handles at taba ko sa dyan lumalambot at lumiit na habang nagkaka-gains ako unlike sa puro cardio lang na naging skinny fat ako.

Diet ko naman chicken breast,whey protein, at creatine lang. Wala kong masyadong binago or dinagdag sa diet. Dahil eto naman ang ulam namin chicken araw araw. Pinipili ko na lang ang breast part. Pag dating naman sa Whey prothin lang ang gamit ko. Iba pa kong sources ng protein gatas, itlog, sardinas,at tuna. Minsan lang ako kumain ng canned goods.

Ang routine ko naman. PPL. Push, Pull, Legs. One hour lang ako mag gym at 3 days a week lang. Para naman kung makabalik na ko sa work di na ko mahirapan mag adjust sa paggi gym ko dahil 3 days lang naman at 1 hour lang per session.
 
@almighty100 Sarap makabasa ng ganito. Sobrang simple

1) Nuod youtube
2) Punta gym
3) Kain protein

Wala naman complicated. Consistency is the hardest part. Everything you read from the internet effective naman.

Nice one brother!
 
@craigbrickhill Spot on. Daming tao na stu-stuck sa pag worry sa coaching expenses at kung ano ano pang details. Pwede naman mag start na agad independently and improve gradually through practice and self-learning.
 
@mocast83 pag nasa bakal gym ka. Tuturuan ka naman dun. Lalo na yung mga security guard na nagbubuhat na ko. Pag nakita kanila nag start na tuturuan ka then iche-cheer ka pa nga nila pag alam nilang may progress. Wala naman yung stereotype na pagtatawanan ka pag di ka marunong. Tuturuan ka pa nga ng mga kasama. Encourage ka nila to live healthy. Ang first step sa paggi-gym is you need TO SHOW UP sa gym. Alam ko yung iba may social anxiety pwede ka nman bumuhat bg weights galing sa shopee. Matagal na ko nagi gym walang prgress kasi puro cardio ginawa ko. Pumayat talaga ako. Pero wala kong laman naging patpatin ako ngayon tumaba naman ako nagbubuhat ng weights. Isa pa wala akong problema sa katawan ko mataba or payat ako oks lang ang mahalaga nagpo-progress ako kahit mabagal basta meron kesa nasa bahay ako nagni netflix. Unemployed ako at naghahanap ng trabaho marami akong time edi mas okay na i maximize ko oras ko through lifting weights. Kesa naman unemployed na nga ako unhealthy pa habits ko.
 
@almighty100 2 months is good enough to assume you know the very basics of lifting. Kung 3 days ka lang sa gym and PPL, I suggest going for an Upper/Lower body split. This way you can target the different muscle groups multiple times a week. You can bump the sessions to 4 days and maybe the gym time to 1 1/2 hours. You'll only see progress if you train with enough intensity para makabuo ng muscles and lose enough weights to see some separations.

Youre on the right track. Consistency nalang talaga yan.
 
Back
Top